Nauubusan na ng pera ang mga OFW patungong Hongkong habang naghihintay sa pagkilos ng gobyerno kaugnay sa kanilang vaccination cards.
Kasunod na rin ito nang hindi pagkilala ng Hongkong government sa vaccination card ng mga Pinoy na magtatrabaho rito maliban na lamang ang vaccination certificate na kikilalanin ng World Health Organization para papasukin ang mga dayuhang domestic workers sa lungsod.
Dahil dito, nangangamba na ang maraming OFW kung makakapag-trabaho pa sa Hongkong lalo pa’t halos apat na buwan na silang nasa Maynila mula sa mga lalawigan habang naghihintay ng kanilang vaccination cards o certificate para tuluyang makapasok ng Hongkong.
Tiniyak naman ng Malakaniyang na kumikilos ang gobyerno para magkaruon ng basehan na kilalanin ang vaccination cards na iniisyu ng pamahalaan kasabay ang apela sa WHO na pangunahan ang hakbangin para sa universal acceptance ng vaccination cards.