Inihayag ni Senador Joel Villanueva na matagal nang hinihintay ng mga hog raisers ang deklarasyon ng punong ehekutibo ng state of calamity dahil sa African Swine Fever (ASF).
Ayon kay Villanueva, mabuti ang naturang deklarasyon pero ang kalamidad aniya ay isang bagay at iba rin ang aksyon para matuldukan ang problemang hatid ng ASF.
Dagdag pa ni Villanueva, na siya’y umaasa na ang naturang deklarasyon ay magreresulta ng puspusang pag-kilos ng pamahalaan, gamitin ang lahat ng resources nito at magtakda ng time table para mapagtagumpayan ang laban.
Paliwanag ni Villanueva na ang deklarasyon ng punong ehekutibo ay tila isang reseta ng karamdaman na dapat sundin ang lahat ng nakasaad para agad na gumaling laban sa sakit.
Kung kaya’t dapat aniyang regular na mag-update ang Agriculture Department sa publiko hinggil sa state of calamity.