Muling tiniyak ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN foreign ministers ang kanilang pagsuporta at pakikiisa para labanan ang terorismo at violent extremism sa rehiyon.
Ito’y makaraang papurihan ng mga ASEAN ministers ang matagumpay na paghawak ng Pilipinas sa nangyaring krisis sa Marawi City mula sa kamay ng mga terorista.
Kinilala rin ng ASEAN foreign ministers ang pag-usad ng rehabilitasyon sa Marawi gayundin ang pagpapatupad ng ASEAN Political Security Community Council Blueprint para sa taong 2025.
Kasunod nito, nagkaisa rin ang ASEAN foreign ministers na magtutulungan para matamo ang isang drug free ASEAN sa pamamagitan ng pagpapalitan ng impormasyon at pag-uugnayan ng mga tagapagpatupad ng batas.
—-