Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na ipagdiriwang ang Undas nang mataimtim at mapayapa.
Sa kanyang vlog, pinaalalahanan din niya ang mga bibisita sa sementeryo na panatilihing malinis ito at sundin ang mga patakaran.
Kaugnay nito, nagtayo ng halos limang libong police assistance desks ang Philippine National Police sa lahat ng public cemeteries at memorial parks.
Mahigit 27,000 PNP personnel din ang ipapakalat sa bansa bilang parte ng heightened alert measures para sa Undas.
Bukod dito, nagtalaga rin ang Bureau of Fire Protection ng mga tauhan sa Emergency Medical Services nito sa animnapu’t anim na sementeryo sa Metro Manila.
Samantala, sinabihan din ni Pangulong Marcos ang mga magbabakasyon ngayong Undas na mag-ingat. #