Patay ang mag-asawang matanda nang makulong ang mga ito sa kanilang nasusunog na bahay sa Baguio City.
Kinilala ang mga biktima na sina Juan at Lolita Velasco, kapwa 94-anyos.
Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang anak ng mga biktima na si Cesar, ngunit ayon sakanya, ang mag-asawa lamang ang nasa bahay ng mangyari ang sunog.
May kapansanan at bed ridden na raw si Juan na nakita ang bangkay nito na nakahiga sa sofa samantala, natagpuan naman ang labi Lolita sa banyo.
Ayon sa Bureau Of Fire Protection ng lungsod, walang kuryente sa naturang lugar, kaya ang tinitignan na sanhi ng sunog ay napabayaang kandila o lampara. —sa panulat ni Mara Valle