Nananatiling normal ang operasyon ng mga ambassador ng European Union na nasa Pilipinas.
Sa kabila ito ng lantarang pagpapalayas sa kanila ng Pangulong Rodrigo Duterte matapos magbanta ang pitong international delegates na nagpakilalang EU parliamentarians na baka mapatalsik bilang miyembro ng United Nations Human Rights Council ang Pilipinas dahil sa madugong giyera kontra droga ng administrasyon.
Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA, wala pa naman silang natatanggap na anumang direktiba hinggil sa pagpapalayas ng Pangulo sa mga ambasadors ng EU sa loob ng 24 oras.
Una nang dumistansya ang EU ambassadors sa mga nagpakilalang EU parliamentarians.
Ayon sa EU, hindi isang EU mission at wala silang kinalaman sa naging pakay dito ng naturang grupo.
Samantala, kumbinsido naman ang political analyst na si Dr. Clarita Carlos na walang epekto sa ugnayan ng Pilipinas at EU ang matapang na pahayag ng Pangulo.
“I’m sure this one will be forgotten after 2 or 3 days, which happens usually, if you talk to Business wala lang, these kinds of news come everyday, the thing that matters to them, are not these kinds of declarations but what happens on the ground talaga.” Pahayag ni Carlos
(Ratsada Balita Interview)