Posibleng magrollback din ng halos P2.00 ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Inihayag ito ni Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Energy, matapos ang kanilang emergency meeting sa mga kumpanya ng langis.
Ipinatawag ang meeting kasunod ng halos P2.00 dagdag sa presyo ng produktong petrolyo na ipinatupad ng oil companies.
Ayon kay Gatchalian, inaasahan na ang pagdagsa ng bagong suplay ng langis sa bansa matapos na maiayos ang planta na nasira sa pag-atake sa Saudi Arabia.
Ang aming estimate at sa estimate din ng DOE, almost the same, hindi man iyan isang bugso but bababa din siya sa halos the same level. So, ang presyo ng langis ngayon ay malaro dahil nga dito sa insidente na ito, pero ang pinakamahalaga dito nagmomonitor an gating komite, ang DOE, at nagmomonitor din tayo sa mga umaabuso sa sitwasyon,” ani Gatchalian. — sa panayam ng Ratsada Balita