“It’s time to move on sa Lopez Episode…”
Inihayag ito ni Senador Panfilo Lacson makaraang linawin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi lobby money ang kanyang tinutukoy sa lobby na nangyari sa pagkaka-reject sa Commission on Appointment ni dating DENR Secretary Gina Lopez, sa halip ay lehitimong pagla-lobby na walang perang sangkot.
Labis na ikinainis ni Lacson ang naging pahayag Pangulo na may lobby money sa pagbasura ng C.A. sa kumpirmasyon ni Lopez dahil nakakaapekto aniya ito sa integridad ng mga miyembro ng C.A. at sa C.A. Mismo kaya’t nanawagan siya ng imbestigasyon.
Ayon kay Lacson, bagamat hindi niya pinagsisisihan ang pagboto laban sa kumpirmasyon ni Lopez dahil sa tingin niya ay ito ang tamang gawin, pero humingi ito ng paumanhin dahil napilitan siyang sabihin sa publiko ang mga rason bakit siya bomoto para sa rejection ni Lopez.
Giit ni Lacson, ito ang dapat gawin sa harap ng mga batikos na inaabot sa social media at dahil sa over reaction ng ilang sektor na dulot lamang ng mga kumakalat na maling impormasyon.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno