Nananatiling ligtas ang mga pinoy sa Thailand matapos ang mass shooting incident kung saan tatlumpu’t walo ang patay.
Kinumpirma ni Philippine Ambassador to Thailand Millicent Cruz-Paredes na wala silang natanggap na mga ulat na may mga pinoy na nadamay sa pamamaril sa Nong Bua Lam Phu Province.
Patuloy anya nilang mino-monitor ang sitwasyon at naghihintay ng karagdagang impormasyon mula sa royal thai police.
Batay sa imbestigasyon, dalawampu’t dalawa sa mga patay ay bata matapos salakayin ng suspek na si Panya Khamrab, ang isang daycare center gamit ang shotgun, handgun at kutsilyo.
Matapos ang pamamaril sa daycare center, pinaslang din ng suspek ang kanyang mag-ina tsaka nagpakamatay.
Napag-alamang dating pulis si Khamrab na sinibak sa serbisyo dahil sa kasong may kaugnayan sa illegal drugs noong isang taon.