Dapat nang ikunsidera ngayon pa lamang ng Department of Agriculture ang pag-a-angkat muli ng bigas sakaling maberipika ang matinding pinsalang dulot ng bagyong karding sa mga palayan sa Central Luzon.
Para kay Albay Rep. Joey Salceda, dapat nang mag-advance order ang Pilipinas ng imported na bigas, bilang paghahanda sa pagtaas ng presyo, lalo’t humihina ang piso laban sa dolyar.
Ayon kay Federation of Free Farmers National Manager at Agriculture secretary Raul Montemayor, dahil bumaba ang halaga ng piso, asahang mas magiging mahal ang imported rice.
Ito anya ang dahilan kaya’t dapat nang ilarga ng gobyerno ang subsidiya at income support para sa mga magsasaka upang makapagsimula muli silang makagpagtanim.
Una nang tiniyak ni D.A. Spokesperson at Undersecretary for Consumer and Political Affairs Kristine Evangelista na may sapat na rice stocks ang bansa dahil sa mga naunang import at nagpapatuloy na anihan.
Gayunman, batay sa projection ay aabutin lamang ng dalawa’t kalahating buwan ang stock na bigas ng bansa malayo sa kailangang 100-day buffer stock na requirement upang mapunan ang pangangailangan sa susunod na taon kasabay ng planting season.