Sibak sa pwesto ang warden ng Bureau of Jail Management and Penology-6 District Jail sa Pototan, Iloilo makaraang magprotesta ang mga bilanggo kahapon.
Umakyat ang mga preso sa bubong ng kulungan upang mag-noise barrage dahil sa umano’y inaabot nilang gutom at nanawagang paalisin sa puwesto si Jail Chief Inspector Norberto Miciano, Jr.
Umapela rin ang mga preso na papasukin ang kanilang mga dalaw at makausap si Iloilo Governor Arthur Defensor, Jr. maging si Regional Director, Jail Chief Supt. Clint Russel Tangeres ng BJMP 6.
Bilang tugon ay tinanggal ng pamunuan ng BJMP 6 si Miciano at pansamantalang pinalitan ni Jail Inspector Woody Palmejar.
Matapos ang halos walong oras sa bubong, bumaba rin ang mga inmate at pinulong ni Tangeres BJMP 6 si Regional Director Jail Chief Superintendent Clint Russel Tangeres.