Walang Filipinong napaulat na nasawi o nasugatan sa pambobomba sa Istanbul, Turkey.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, batay sa mga ulat na natanggap nila sa Philippine Embassy at Consulate sa Ankara, nananatiling ligtas ang mga Pinoy sa nasabing bansa.
Patuloy anilang mino-monitor ng embahada at konsulada ang sitwasyon ng mga Pinoy sa Turkey.
Naganap ang pambobomba kahapon sa isang kilalang shopping district sa Istanbul kung saan anim na ang nasawi habang nasa 80 ang sugatan.
Isinisi naman ng Turkish Government ang terrorist attack sa separatistang grupo na Kurdish YPG Militia.