Malabo pang ma-kwenta kung ilang porsyento ang iniangat sa ratings ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas makaraang iendorso ito ng Pangulong Benigno Aquino III.
Sa kabila ng ito ng 18 porsyentong rating na iniakyat ni Roxas sa pinakahuling survey ng SWS o Social Weather Stations.
Iginiit ni Professor Edmund Tayao, isang political analyst na malabo ang naging katanungan ng SWS survey dahil humingi sila ng 3 pangalan ng mga puwedeng maging Presidente.
Ito aniya ang dahilan kaya’t kung kukuwentahin ang ratings na nakuha ni Senador Grace Poe na 47 percent, ang 39 percent ni Roxas at 35 percent ni Vice President Jejomar Binay, lalabas na sobra-sobra ito sa 100 percent.
“Sa totoo lang po ‘yung percentages ay hindi ko po talaga makita nga na basis, inaasahan po natin na tataas nga po ang numbers ni Secretary Mar dahil sa pag-endorso ni Presidente Aquino, pero itong survey na ito ay hindi ko po makita kung magkano talaga ang itinaas kasi nga 3 ang pinili ng respondents.” Pahayag ni Tayao.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit