Nagpasalamat naman ang aktor at senator-elect na si Robin Padilla sa lahat ng sumuporta sa kanya matapos manguna sa senatorial race sa May 9 elections.
Ito ang naging mensahe ni Binoy makaraan ang proklamasyon nilang 12 nanalong senador sa Philippine International Convention Center (PICC), sa Pasay City, kahapon.
Partikular na pinasalamatan ni Padilla ang mga Muslim at Kristyano na nagkaroon anya ng malaking ambag sa kanyang panalo na kanyang itinuturing na makabuluhang pagkakaisa.
Samantala, nanawagan naman ang neophyte senator sa kanyang mga kapwa mambabatas na magkaisa upang ipursige ang reporma sa Saligang Batas.