Iginiit ni Senate Committee on Ways and Means Chairman Sherwin Gatchalian na maraming nabunyag na kahinaaan sa proseso ng Pilipinas matapos ang imbestigasyon sa mga iligal na POGO sa bansa.
Isa na aniya rito ang mga pekeng birth certificate na nakuha ng mga dayuhang pogo worker at ginamit para sa pekeng citizenship at pagbili ng mga ari-arian sa Pilipinas.
Bagama’t aminadong malaking gastos sa panig ng pamahalaan ang pagbabago sa sistema ng pagkuha ng birth certificate, kailangan aniya itong gawin para matuldukan ang pagkalat ng mga pekeng dokumento sa bansa. – Sa panulat ni Laica Cuevas