Isinusulong ng Department of Agriculture (DA) ang Nationwide Cropping Calendar upang matiyak na walang masasayang na mga Agri-product.
Inihayag ito ni DA Undersecretary for Consumer and Political Affairs Kristine Evangelista matapos ang ulat na sangkatutak na Kamatis na itinapon ng isang magsasaka sa Bayan ng Lantapan, Bukidnon.
Nag-viral sa social media ang larawan ng mga kamatis na itinambak dahil sa oversupply, bagsak-presyo sa merkado at kakaunti lamang ang bumibili.
Ayon kay Evangelista, kapag mayroong cropping calendar ay makahahanap na ang mga magsasaka ng bibili sa kanilang mga produkto bago ang anihan.
Layunin din ng Cropping calendar na mapigilan ang oversupply ng partikular pananamim dahil malalaman ng mga magsasaka kung ano ang dapat itanim at makapaghahanap ng bibili ng kanilang produkto bago pa anihin.
Samantala, handa ang DA na payagan ang mga koopertaiba na makakuha ng angkop na pasilidad upang iproseso ang mga kamatis sa ibang produkto, tomato sauce o ketchup.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority, bumagsak ang produksyon ng kamatis sa 6.1% o katumbas ng 90,000 metric tons sa unang tatlong buwan ng taon kumpara sa 95,870 metric tons sa kaparehong panahon noong 2021.