Humingi ng pang-unawa ang Department of Transportation sa publiko matapos makakuha ng bagsak na grado ang Metro Manila sa isang Global Urban Mobility Ranking.
Sa 2022 Urban Mobility Readiness Index, na inipon ng Oliver Wyman Forum at University of California at Berkeley, 60 lungsod ang ini-ranggo batay sa public mobility infrastructure, public transit accessibility at iba pang aspeto ng public transportation.
Gayunman, sumadsad sa ika-58 pwesto ang Metro Manila kasunod ng mga lungsod ng Nairobi, Kenya at Lagos, Nigeria.
Ayon kay Transportation secretary Jaime Bautista, tanggap naman nila ang lumabas na ulat kaya’t patuloy nagpupursige ang gobyerno na pagandahin ang mobility at public transportation sa National Capital Region.
Humihingi pa anya sila ng karagdagang panahon sa publiko upang makumpleto ang mga proyektong magiging tulay para sa mas maayos na biyahe.