Patay ang 2 siklista matapos mabangga ng isang van sa Pasay City kahapon ng umaga.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagpapahinga sa may bangketa sa Seaside Boulevard ang mga biktima nang biglang mag-U-turn ang isang van saka sumalpok sa mga siklista sa nasabing lugar.
Dead on the spot ang isa sa mga siklista matapos pumailalim sa van habang itinakbo naman sa ospital ang isa pang biktima pero binawian din ito ng buhay.
Sa nakuhang impormasyon ng mga otoridad, lasing at walang lisensiya ang 18-anyos na driver ng van, na mahaharap ngayon sa patong-patong na kaso.
Samantala, sugatan naman ang 19-ayos na siklista matapos mabangga ng isang jeep sa isang cycling race event sa Sorsogon.
Kinilala ang siklista na si Xyrus Dela Cruz na nagtamo ng mga injury sa kaliwang binti at braso na swerte namang nakaligtas sa internal problem.
Inaresto na ang driver ng jeep pero ayon sa Ama ng biktima, na handa silang makipag-areglo o ayusin ang kaso kung mangangako ang naturang tsuper na tutulong sila sa mga gastusin para sa pagpapagamot ni Xyrus.
Nagbigay narin ng mahigit isang daan at P50-K ang Project Director na si Bernadette Guerrero ng Ronda Pilipinas, na siyang nag-organisa sa nasabing cycling race na napag-alaman na kulang umano sa mga tauhan matapos ikasa ang aktibidad. —sa panulat ni Angelica Doctolero