Nag-issue na ng notice of claim ang Meralco sa south Premiere Power Corporation (SPPC), na subsidiary ng san Miguel Corporation (SMC), upang pagbayarin sa dagdag-gastos na idinulot ng 60-day temporary restraining order ng Court of Appeals sa kanilang Power Supply Agreement (PSA).
Magugunitang sinuspinde ng SMC ang pag-su-supply sa Meralco ng 670 megawatts mula Ilijan power plant, noong isang linggo sa katuwirang naglabas ng TRO ang C.A laban sa kanilang PSA.
Ito ang dahilan kaya’t napilitan ang Meralco na kumuha ng mas mahal na supply ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Sa liham na ipinadala kay SPPC General Manager Ellen Go, iginiit ng Meralco sa SMC subsidiary na bayaran ang price difference sa pagitan ng contract price at spot market price, kung saan bantad ang naturang power distributor sa gitna ng effectivity ng TRO.
Bukod pa ito sa fines, penalties at liquidated damages sa ilalim ng PSA sakaling resolbahin ng appellate court ang pangunahing kaso at ibasura ang petisyon ng SPPC.
Kasalukuyang nakikipag-negosasyon ang Meralco sa iba pang generation companies para sa emergency Power Supply Agreements (EPSA) upang ma-protektahan ang mga customer laban sa mas mataas na presyo ng kuryente sa WESM.