Magsasagawa ang PhilHealth ng adjustments sa deployment ng kanilang mga bagong benepisyong nakatakdang ipatupad ngayong taon matapos ang suspensyon ng pagtaas ng premium rates.
Nilinaw naman ni PhilHealth Corporate Communications Sr. Manager Rey Baleña na hindi maka-aapekto sa kanilang operasyon ang suspensyon ng premium rate hike at pagtaas ng income ceiling hanggang P90,000.
Ayon kay Baleña, ang mga bagong benepisyo lamang ang maaaring magkaroon ng adjustment deployment subalit walang magiging pagbabago sa mga kasalukuyang benepisyo.
Kabilang anya sa mga bagong benefit packages na ipatutupad ngayong taon ang severe acute malnutrition package at outpatient mental health package.
Pag-aaralan din ng PhilHealth ang benefit plan para sa taong 2023 upang i-assess ang adjustments sa implementasyon ng iba pang benefit packages.