Posibleng marami pang mataas na opisyal ang masabit sa illegal drug trade sa sandaling ibunyag na lahat ni Kerwin Espinosa ang kanyang mga nalalaman.
Ipinahiwatig ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald dela Rosa na mataas na posisyon sa gobyerno ang puwedeng tamaan ng testimonya ni Kerwin maliban kay Senador Leila de Lima.
Tiniyak rin ni Bato na hindi magtatapos kay Kerwin ang pagtugis nila sa mga big fish sa illegal drug trade sa bansa.
Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Ronald dela Rosa
Ayon kay Dela Rosa, nakatakda nilang ikumpara ang affidavit ni Kerwin sa affidavit ng kanyang napatay na amang si Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.
Sinabi ni Dela Rosa na hindi alam ni Kerwin ang laman ng affidavit ng kanyang ama dahil wala na silang komunikasyon matapos itong tumakas palabas ng bansa.
Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Ronald dela Rosa
Kerwin Espinosa
Tiniyak naman ni Kerwin Espinosa na ibubunyag niya ang lahat ng kanyang nalalaman at kung sino-sino ang sangkot sa illegal drug trade na kanyang kinasasangkutan.
Inihayag ito ni Kerwin sa isang press conference sa Camp Crame, pagdating nito sa bansa makaraang madakip sa Abu Dhabi.
No comment naman ang sagot ni Kerwin nang tanungin kung personal nyang kakilala si Senador Leila de Lima at antayin na lamang ang kanyang susumpaang salaysay.
Kasabay nito, ay humingi ng tawad si Kerwin sa Pangulong Rodrigo Duterte at humingi ng pagkakataong makapagbago.
Bahagi ng pahaayg ni Kerwin Espinosa
Samantala, nilinaw ni Kerwin na walang sinuman ang tumulong sa kanyang makalabas ng bansa.
Normal na proseso anya ng paglabas sa bansa ang kanyang dinaanan.
Sinabi ni Kerwin na agad siyang nagpasyang ilayo ang kanyang pamilya matapos mapagtanto na seryoso ang kampanya ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs.
Bahagi ng pahayag ni Kerwin Espinosa
By Len Aguirre