Kumpirmadong may matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang nasa payola list nang itinuturong top drug lord sa Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa.
Ayon kay PNP Albuera, Leyte Diector Chief Inspector Jovie Espenido, kabilang sa 34 na pulis na nasa listahan ay may ranggong chief inspector, superintendent at maging heneral at pawang may edad na 40 hanggang 45.
Sinabi ni Espenido na posibleng pangalanan ni PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang mga naturang opisyal at miyembro ng PNP sa pagbisita nito sa rehiyon sa susunod na linggo.
By Judith Larino