Nagpaabot ng pagbati ang matataas na opisyal ng gobyerno ngayong ika-73 kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang mensahe na ipinadala sa media, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa na hindi sila mapapagod na tumulong sa Pangulo hanggang maging drug free ang bansa.
BASAHIN: Mensahe ni PNP chief Ronald Dela Rosa sa ika-73 kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte pic.twitter.com/z4BRo5t6TU
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) March 28, 2018
Kapayapaan, kasiyahan at magandang kalusugan naman ang hiling ni Department of Interior and Local Government (DILG) Officer in Charge Eduardo Año kay Pangulong Duterte.
BASAHIN: Birthday greeting ni DILG OIC Sec Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte pic.twitter.com/OJmPz02qQU
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) March 28, 2018
Good health, stamina at inspirasyon sa pamumuno sa bansa ang birthday wish ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa commander in chief.
BASAHIN: Pagbati ni Defense Sec Delfin Lorenzana sa kaarawan ni Pang Duterte pic.twitter.com/sgIEZpdIfN
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) March 28, 2018
PANOORIN: Pagbati ni Army chief Lt. Gen. Rolando Bautista sa ika-73 kaarawan ni Pangulong Duterte pic.twitter.com/ErfU5AjF6E
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) March 28, 2018
Habang mas mahaba pang buhay ang hiling ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino para sa Pangulo.
BASAHIN: Mensahe ni PDEA chief Aaron Aquino sa ika-73 kaarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte pic.twitter.com/GgNR5MkVwa — Jonathan Andal (@JonathanAndal_) March 28, 2018
Una nang sinabi ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na walang birthday party at mananatili lamang sa Davao City si Pangulong Duterte kasama ang kanya pamilya at mga apo na taon-taon na aniya nitong nakagawian simula noong mayor pa lamang ito.
Dagdag ni Go, masaya na ang Pangulo na simpleng makasama lamang ang kanyang mga mahal sa buhay sa kanyang kaarawan.
—-