Mananatili ang matatag na ekonomiya sa Timog Silangang Asya sa kabila ng tensiyon sa pagitan ng Estados Unidos at China na dulot ng pinangangambahang trade war.
Ginawa ni Singapore Finance Minister Heng Swee Keat ang pahayag matapos ang pagpupulong na dinaluhan niya kasama ang ilang ASEAN Finance Chiefs.
Ayon kay Keat, nakatuon lamang sa pagpapalago ng ekonomiya sa rehiyon ang naganap na briefings ng mga ekonomista mula sa world bank, international monetary fund at pribadong sektor.
Katunayan, ipinalagay ni Keat na nakapagtala ang 10-member ASEAN Bloc ng 5.1 porsiyentong paglago noong isang taon at inaaasahang mahihigitan pa nito ang ibang rehiyon ngayong taon.
—-