Inatasan ni Pangulong Noynoy Aquino ang bagong Philippine Navy Chief na si Rear Admiral Ceasar Taccad na i-maximize ang limitadong resources ng Hukbong Pandagat.
Ito’y sa gitna ng banta ng lumalawak na pananakop ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Pangulong Aquino, dapat balansehin ni Taccad ang kapasidad ng hukbo sa pagtugon sa mga banta sa ating seguridad.
Isinagawa ang change of command sa headquarters ng Navy sa Roxas Boulevard, Maynila, kahapon.
Sa kanyang talumpati, tiniyak naman ni Taccad na mananatiling matatag ang Navy sa pagbibigay seguridad at pagtatanggol sa bansa maging sa mga mamamayan sa gitna ng territorial dispute sa West Philippine Sea.
By Drew Nacino