Matatag ang supply ng asukal sa bansa.
Ito ang tiniyak ng Sugar Regulatory Board o SRA kasunod ng kumalat na ulat na mag-aangkat ng asukal ang bansa.
Ayon kay SRA Administrator Hermenegildo Serafica, batay sa kanilang mga nakalap na datos, maaabot ng bansa ang target production sa asukal hanggang sa dulo ng milling season.
Wala rin aniyang dahilan para mag-angkat ng asukal.
Inaasahan namang mapapabuti ang presyo ng asukal kasunod ng pagkansela ng SRA sa pag-i-export nito para mailaan sa domestic consumption.
—-