Pinadaragdagan ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda Ang tulong pinansiyal na matatanggap ng mga magsasaka mula sa sobrang kita sa buwis sa ilalim ng Rice Tariffication Law.
Ayon kay Salceda, partikular ito noong 2021 kung saan tumaas sa 22% ang nakolektang taripa sa imported na bigas.
Dahil sa pagtaas ng nakolektang buwis, dapat aniyang dagdagan ang cash assistance sa mga magsasaka ng palay, upang masakop ang tumataas na presyo sa abono at langis.
Mungkahi ni salceda, mula sa kasalukuyang P5K ay itaas sa P8K ang unconditional cash assistance sa ilalim Ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) programs. —sa panulat ni Abigail Malanday