Wala pang direktang epekto sa ekonomiya ng Pilipinas ang mga matapang na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa international community partikular sa Amerika, United Nations at European Union.
Ayon sa ekonomistang si Astro del Castillo, bagaman nakababahala, wala silang nakikitang dahilan sa ngayon upang humina ang ekonomiya ng bansa partikular ang palitan ng piso sa dolyar.
Bahagi ng pahayag ni Astro del Castillo, Economist
Inaasahan na anya ng mga ekonomista ang bahagyang paglakas ng dolyar bago pa man mahalal si Pangulong Duterte.
Aminado si del Castillo na hindi naman dapat ikagulat ang bahagyang paghina ng piso kontra dolyar dahil pabago-bago ang foreign currency exchange hindi lamang sa Pilipinas.
Bahagi ng pahayag ni Astro del Castillo, Economist
By Drew Nacino | Ratsada Balita