Inihayag ng Department of Health (DOH) na tumaas ang bilang ng mga namamatay na buntis sa unang anim na buwan ng 2022.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, karaniwang sanhi ng maternal mortalities ay komplikasyon sa pagbubuntis sa panahon ng panganganak at postpartum period.
Sa datos ng Commission on Population and Development (POPCOM), umakyat sa 468 ang mga buntis na namamatay mula Enero hanggang Hunyo 2022 kumpara sa 425 na naitala sa parehong panahon noong 2021.
Dahil dito, dapat anyang palawakin ang serbisyo sa Maternal, Newborn, Child Health and Nutrition (MNCHN) o pagtatalaga ng mga healthcare provider networks sa panahon ng pagbubuntis.
Nanawagan naman ang kagawaran sa mga local government unit na paigtingin ang pagpapatupad ng primary care. —sa panulat ni Jenn Patrolla