Umabot na sa 53.27 billion pesos ng maternity benefits ang na-release o nabayaran ng Social Security System (SSS).
Ayon kay SSS president at CEO Michael Regino, nasa 1.91 million na miyembro ng SSS mula taong 2016 hanggang 2021 ang nabigyan ng benepisyo kasabay ng implementasyon ng Republic Act No. 11210 o Expanded Maternity Leave Law sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Sa ilalim ng naturang batas, ang mga bagong panganak ay magkakaroon ng dagdag na leave credits kung saan, mula 60 araw na paid leave para sa normal delivery at 78 days para naman sa cesarean section delivery, ay gagawin na itong 105 days paid leave.