Naniniwala ang OCTA Research Group na posibleng ‘worst is over’ o tapos na sa malaking bahagi ng Pilipinas ang COVID-19 surge.
Ito, ayon kay OCTA Research fellow, Dr. Guido David, ay dahil naabot na ang peak o rurok ng COVID-19 cases, lalo sa Metro Manila.
Gayunman, hindi anya ito nangangahulugan na dapat magpaka-kampante ang lahat bagkus ay dapat ituloy ang pagsunod sa health protocols kapag lalabas ng bahay dahil mataas pa rin ang COVID cases.
Kabilang sa mga nakitaan ng pagtaas ng COVID-19 cases ang Negros Oriental, Bukidnon, Camiguin, Cotabato, Davao de Oro, Del Norte, Occidental at Oriental maging ang Maguindanao, Sarangani, South Cotabato at Sultan Kudarat.
Una nang inihayag ng octa na pwedeng hindi na maulit ang surge ng COVID-19 dulot ng Omicron variant sa NCR pero dapat paghandaan sa ibang rehiyon.