Ibinabala ng experts ang matinding epekto sa HongKong lalo na sa ekonomiya nito kapag tuluyang nakialam ang China sa kaguluhan dito sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanilang puwersa militar.
Ang nasabing pangamba ay lalong lumakas nang makumpirma ang presensya ng Chinese paramilitary units malapit sa border ng HongKong.
Batay sa HongKong Basic Law, ang gobyerno nito ay legal naman kung humiling sa Chinese Peoples Liberation Army at naka standby na ang 6,000 sundalo ng China sa garrison sa loob ng syudad.
Gayunman, sinabi ni Professor Johannes Chan, professor of law at dating dean ng faculty of law sa University of HongKong na maaari lamang mag request ang syudad kung hindi na kayang makontrol ang sitwasyon at hind pa naman nangyayari sa ngayon.