Umakyat na sa mahigit 10,000 ang mga batang nasawi o nasugatan sa mahigit anim na taong civil war sa Yemen.
Ito ang kinumpirma ng United Nations Children’s Fund kasabay ng babala ng posibilidad ng paglaganap ng matinding humanitarian crisis kung hindi matitigil ang digmaan.
Aminado si UNICEF Spokesman James Elder na may ilan pang batang biktima na hindi nairereport sa kanila kaya’t posibleng madagdagan ito hangga’t walang kapayapaan sa Yemen.
Nagpasaklolo na si elder sa International Community lalo’t nangangailangan ng $235 milyon ang Yemen para sa mga batang apektado ng digmaan.
Kasabay nito ay ikinukunsidera na rin anya ng UN ang Yemen bilang isa sa mga bansang may pinaka-malalang Humanitarian Crisis sa ngayon. —sa panulat ni Drew Nacino