Nakaranas ng matinding init ng panahon ang maraming lugar sa bansa, kahapon, April 2.
Ayon sa PAGASA, umabot sa 37°C ang naitalang pinakamataas na temperatura sa Iba, Zambales at Tuguegarao City.
Ilan pa sa mga lugar na nakapagtala ng mainit na temperatura ang Cotabato City – 36.9°C, San Jose, Occidental Mindoro – 36.8°C at Camiling, Tarlac – 36.6°C.
Pumapalo naman sa 34.6°C ang pinakamainit na temperatura sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.
Sinabi ng PAGASA na umabot naman sa 37°C ang heat index o init na naramdaman sa katawan ng tao, mag-aalas-2 ng hapon, kahapon.
Pinayuhan naman ng PAGASA ang publiko na ngayong mainit ang panahon –palaging uminom ng tubig, magsuot ng light colored na damit at bawasan ang physical activities sa tanghali at hapon para maiwasan ang heat stress.