Asahan na ang matinding init ng panahon ngayong Mahal na Araw.
Ito, ayon sa PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, ay dulot ng ridge ng high-pressure area (HPA) sa Luzon habang nakaaapekto ang easterlies sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Binalaan naman ng PAGASA ang publiko laban sa heat stroke at iba pang heat-related diseases.
Magugunitang idineklara ng PAGASA ang opisyal na pagsisimula ng tag-init noong Abril 5.
Samantala, pumalo sa 35.2 degrees celsius ang temperatura sa Metro Manila, kahapon at posibleng tumaas pa ito sa mga susunod na araw.
By Drew Nacino