Nakakaranas ng matinding init ng panahon ang Brazil partikular ang capital nitong Rio de Janeiro.
Ayon sa INMET o National Institute of Meteorology sa dalawang magkasunod na araw ay naranasan ang 43 degrees Celsius ang ikatlong pinakamataas na temperaturang naitala sa halos 100 taon.
Ito ay halos .2 degrees na lamang kumpara sa 43.2 degrees celsius na pinakamainit na panahon base na rin sa record noong 2012.
Sinabi ng INMET na hindi pa man dumarating ang summer season ay mataas na ang kanilang temperatura kaya’t asahan na ang mas mainit pang panahon.
By Judith Larino