Asahan pa rin ang maaliwalas na panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi pa ng Luzon at posibleng makaranas ng matinding init ng panahon sa tanghali pero may tsansa ng isolated rain showers pagdating ng hapon at gabi dahil parin sa easterlies at mga localized thunder storm.
Wala namang nakikitang weather system na magdudulot ng malawakang mga pag-ulan sa Visayas kaya magiging maaliwalas ang panahon sa buong bahagi ng kabisayaan pero may mga tsansa ng mga panandaliang pag-buhos ng ulan sa hapon at gabi.
Makakaranas naman ng pag-ulan ang bahagi ng Caraga, Davao region at Soccsksargen bunsod ng Inter Tropical Covergence Zone (ITCZ).
Patuloy paring minomonitor ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) na nagduudlot ng mga kalat-kalat na mga pag-ulan kaya pinag-iingat ang publiko lalo na ang mga nakatira sa mga low-line areas at bulubunduking lugar.
Fair weather condition naman ang mararanasna sa Mindanao pero may tsansa ng mga pag-ulan sa hapon at gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24°C hanggang 34°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:32 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:13 ng hapon.