Nagbabala si House appropriations committee chair Rolando Andaya, Jr. hinggil sa mas matinding korupsyon at mas mababang kalidad ng infrastructure project.
Ito ayon kay Andaya ay kapag iginiit ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang cash based budgeting system.
Sinabi ni Andaya na dapat ibasura na ni diokno ang nasabing sistema sa ilalim ng panujkalang 2019 budget lilimitahan nito ang appropriations, bidding, completion ng proyekto at bayad sa loob ng isang taon.
Sa halip na labanan ang korupsyon inihayag ni Andaya na lalong titindi at lalaganap ito dahil sa nasabing sistema na mag i institutionalize aniya sa korupsyon sa DPWH at magbebenepisyo ay maliliit na suppliers at contractors ng kalihim.
Ipinabatid pa ni Andaya na dapat ay obligation based budgeting system ang inaprubahan ng Kongreso kung saan maipapamahagi ng gobyerno ang pondo sa loob ng dalawang taon para matapos ang mga proyekto.
Maging si dating DPWH Secretary Rogelio Singson aniya sa kaniyang sulat nitong January 25 ay tutol sa cash based budgeting system dahil nga sa dulot nitong korupsyon.