Nahaharap ngayon ang bansang Sri Lanka sa malubhang kakulangan ng foreign exchange upang tustusan ang pinakamahalagang import, kabilang ang pagkain, gasolina at mga gamot.
Ayon sa Energy Minister ng bansa, ilang kargamento ng langis ang nakatakdang dumating noong nakaraang linggo ang hindi dumating.
Habang ang mga nakatakdang dumating sa susunod na linggo ay hindi rin makakarating dahil sa anila’y ‘banking reasons
Anila na hindi masabi ng state- run na Ceylon Petroleum Corporation kung kailan magkakaroon ng mga sariwang suplay ng langis sa isla.