Pina-iimbestigahan ng mga otoridad sa Colombia ang matinding mudslide sa South Western town ng Mocoa nitong nakalipas na weekend.
Dapat pagtuunan ng pansin sa imbestigasyon kung ipinatutupad sa nasabing lugar ang building regulations at kung nagpa-plano ang mga opisyal ng gobyerno para sa sakuna na dulot ng kalikasan.
Pumapalo na sa mahigit 300 katao ang kumpirmadong nasawi dahil sa rumaragasang mudslide habang daan-daang katao pa ang nawawala.
Halos 3,000 residente ang naninirahan sa Mocoa kung saan ilang bahagi pa rin ang walang supply ng tubig at kuryente.
By Judith Larino