Pinaghahanda na ng PAGASA ang publiko sa posibleng pagpasok ng matinding pag-ulan dulot ng Habagat sa loob ng sampung araw na magtatapos sa susunod na Biyernes, Hunyo 10.
Ito’y kahit pa walang bagyo ang inaasahang papasok o maka-aapekto sa bansa ngayong buwan.
Posibleng ring maka-apekto sa susunod na linggo ang Inter-Tropical Convergence Zone na maaaring magdulot ng mga pag-ulan maging ang ridge of high-pressure area.
Inaasahan ng PAGASA na aabot sa 25 hanggang 200 milimeter ang dami ng ibubuhos na ulan sa Regions 4b at 3.
By: Drew Nacino