Nahaharap sa bingit ng matinding pagbagsak ng moral ang buong mundo.
Ito ang ibinabala ni World Health Organization (WHO) Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, kapag nagpatuloy ang pagkontrol ng mga mayayamang bansa sa suplay ng mga bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Tedros, dahil sa ipinakikitang “me-first attitude” ng mga mayayamang bansa, nalalagay sa alanganin ang pangako ng pagkakaroon ng pantay na access sa bakuna kontra COVID-19 ng bawat bansa.
Binatikos din ni Tedros ang mga manufacturers ng bakuna kung saan hinahabol lamang ng mga ito ang regulatory approval ng mga mayayamang bansa sa halip na magsumite ng kanilang datos sa WHO upang maaprubahan ang paggamit nito sa buong mundo.
Sinabi ni Tedros, umaabot na aniya sa 39 milyon na doses ng bakuna kontra COVID-19 ang naiturok sa halos 49 na mayayamang bansa habang nasa 25 doses lamang sa isa sa pinakamahirap na nasyon.