Nagbabala ang isang environmental group na posibleng dumalas ang pagkakaroon ng matitinding baha sa Pilipinas dahil sa climate change.
Sinabi ito ni World Wide Fund for Nature (WFF) Climate Change at Energy Program Head Attorney Angela Consuelo Ibay.
Base sa datos, ang pagbabago aniya ng klima ay hindi lang dahil sa natural na pagbabago ng mundo kundi sa umiinit na planeta.
Binigyang-diin din ni Ibay na umiinot na rin ang karagatan kaya tuwing dumadaan ang bagyo ay lalo itong lumalakas.
Ito na rin aniya ang new normal na maaari pang lumala kung hindi mababawasan ang pag-init ng mundo.
Samantala, iginiit ni Ibay na kailangang maipatupad nang maayos ng pamahalaan ang mga batas na naglalayong proteksyunan ang kalikasan.
Makatutulong din aniya ang publiko sa pamamagitan ng pagtitipid ng kuryente at wastong pagtatapon ng basura.