Tiniyak ng Department of Public Works and Highways sa mga senador na gumagawa na sila ng hakbang upang maibsan ang pagbaha sa bansa.
Ito ang sinabi ni Public Works Secretary Manuel Bonoan, kasunod ng pagdinig ng senado kaugnay sa panukalang mahigit walong-daang bilyong pisong badyet ng ahensya para sa 2025.
Matatandaang kinuwestiyon ng ilang senador na marami pa ring mga Pilipino ang patuloy na nakararanas ng matinding pagbaha sa kabila ng malaking pondong inilalaan sa DPWH para sa flood control and management.
Ayon kay Bonoan, ang ahensya ay nagpapatupad ng mga proyekto sa ilalim ng programang ‘Build Better More’ ng administrasyong marcos.
Kabilang sa kinuwestiyon ng mg senador ang malawakang pagbaha sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon sa kasagsagan ng bagyong Carina.
Aminado naman dito ang DPWH na kulang pa rin ang ang bansa sa isang Integrated Flood Control Master Plan kahit na bilyun-bilyong piso pa ang inalaan na pondo para dito.