Pinangangambahan ng mga residente ng Sta. Maria, Laguna ang posibilidad nang pagkakaroon ng matinding pagbaha matapos alisin ang malalaking bato sa isang ilog para sa development ng isang family farm at resort sa nasabing bayan.
Batay sa mga residente, hinakot ang mga bato sa ilog para magsilbing riprap wall para sa itatayong restaurant.
Apela ng mga residente sa lugar, posibleng makapagdulot ito ng matinding pagbaha tuwing may malakas na pag-ulan na makaapekto sa mga kalapit na barangay sakaling umapaw ang tubig sa ilog.
Nananawagan ang mga residente sa alkalde ng lungsod at Department of Natural Resources (DENR) na imbestigahan ang nasabing development. —sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon