Mas matindi pang tagtuyot ang inaasahan sa ilang lalawigan sa kabila ng mga pagbaha sa ibang bahagi ng Luzon dahil sa bagyong Lando.
Ayon sa PAGASA, hindi sapat ang naitalang ulan sa Quezon, Camarines Norte, Northern Samar, Samar, Antique at North Cotabato.
Hindi umano dinaanan ng ulan ng bagyong lando ang mga nasabing lalawigan kayat makakaranas na mas malalang epekto ng El Nino phenomenon ang mga ito.
Patuloy namang mino monitor ng PAGASA ang sitwasyon matapo makaranas ng dry condition ang Laguna, Occiental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, Albay, Aklan at Guimaras.
Samantala, bahagyang nakahinga ang mga taga Central at Northern Luzon sa Tagtuyot bagamat ilang lugar naman sa mga naturang rehiyon ang lubog sa tubig baha na inaasahang tatagal pa hanggang sa susunod na lingo.
By: Judith Larino