Makakaranas ng matinding tagtuyot sa 25 probinsya sa bansa dahil sa umiiral na El Niño phenomenon.
Batay sa El Niño advisory ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomic Services Administration (PAGASA), kabilang sa mga lugar na matinding tatamaan ng tagtuyot ay ang Palawan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Negros Oriental, Siquijor, Eastern at Northern Samar, Samar, Zamboanga del Sur, del Norte at Sibugay, Bukidnon, Lanao del Sur at Norte.
Kasama rin dito ang mga lalawigan Misamis Occidental, South Cotabato, North Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, Basilan, Maguindanao, Sulu at Tawi -Tawi.
Base sa rainfall assessment noong Enero, malaking bahagi ng bansa ang nakaranas ng mababa hanggang sa mababa sa normal na buhos ng ulan.
Samantala, makakaranas naman ng dry spell na tatagal ng tatlong buwan ang Rizal, Catanduanes, Camiguin, Misamis Oriental, Compostella Valley, Davao del Sur, Davao Oriental, Surigao del Norte at del Sur.
By Ralph Obina