Asahan na ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng Parañaque City sa Linggo, Disyembre 23 dahil sa taunang “Parade of Stars” bilang bahagi ng Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ayon sa Parañaque Traffic and Parking Management Office, malaking bahagi ng Doctor A. Santos Avenue mula Santa Rita Avenue ang isasara sa mga motorista simula tanghali.
Inaasahang magsisimula ang parada ala una ng hapon sa Shopwise Sucat at daraan sa Doctor A. Santos at magtatapos sa Bradco Avenue.
Bukas naman para sa counterflow ang eastbound ng Dr. A. Santos mula Soreena hanggang Kabihasnan, eastbound ng NAIA road mula Quirino Avenue hanggang Macapagal Boulevard at southbound ng Macapagal Boulevard mula NAIA hanggang Bradco.
Kasabay ng MMFF Parade of Stars ang 20th cityhood anniversary ng Parañaque na host sa taunang event na inoorganisa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na layuning itaguyod ang local film industry.