Apektado rin ng matinding trapik sa Metro Manila araw-araw ang kalusugan ng mga motorista at commuter hindi lamang ekonomiya ng bansa.
Ito ang ibinabala ni ang Nurse Partylist Representative Leah Paquiz kaugnay ng lumalalang trapiko na posible pang maging problema dahil sa papalapit na kapaskuhan.
Isa sa mga pamatay umano sa trapik ay ang matinding stress na nararanasan ng mga motorista araw-araw na kapag nakawala ay magdudulot ng iba’t ibang uri ng sakit na posible nilang ikamatay.
Inaagaw din aniya ng trapik ang oras na dapat ipagpahinga na ng mga tao at nababawasan na rin ang kanilang pagtulog kaya malaki ang epekto nito sa kalusugan ng mga tao.
Hindi pa aniya kasama rito ang polusyon na dulot ng mga sasakyan na umuubos ng gasolina at tuloy-tuloy sa pagbuga ng usok kung saan nalalanghap ng mga tao lalo na ang mga pasahero ng mga ordinaryong pampasaherong sasakyan.
By Mariboy Ysibido