Puspusan na ang paghahanda ng Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa inaasahang lalo pang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Kapaskuhan.
Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, kabilang sa paghahandang ito ang pakikipag-diyalogo nila sa mall operators sa Libis, Marcos Highway at EDSA.
Pumayag na aniya ang mga mall operators na magbukas ng alas-11:00 ng umaga upang hindi makasabay sa peak hours ng biyahe.
Samantala, nagpatupad na rin anya sila ng moratorium sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Manila Electric Company (MERALCO), water concessionaires at iba pa na maaaring makaabala sa daloy ng trapiko.
—-